Skip to main content

Mga South Link Connections

Habang lalong pinalalawak ang Link light rail nang patimog sa pamamagitan ng tatlong bagong estasyon sa Kent Des Moines, Star Lake, at Downtown Federal Way, layon ng proyektong South Link Connections na pagandahin ang mga opsiyon sa transportasyon para sa mga komunidad sa South King County. Nakikipagtulungan ang Metro sa Sound TransitNagbubukas sa bagong tab at sa iba pang mga kaakibat upang makagawa ng bagong network ng transit batay sa feedback ng komunidad.

Pangkalahatang-ideya ng proyekto

Sa taong 2026, palalawakin ng Sound Transit ang Link light rail nang patimog sa pamamagitan ng tatlong bagong estasyon: Kent Des Moines, Star Lake, at Federal Way Downtown. Maaari ding magkaroon ng mga pagbabago sa mga bus ng ST Express sa lugar na ito.

Upang mapaghandaan ang mga pagbabagong ito at upang makagawa ng mas madaling puntahan at maayos na network ng transit para sa lahat, isang proyekto ang sinimulan ng Metro sa South King County na magpapaganda sa transportasyon para sa mga komunidad sa Algona, Auburn, Burien, Des Moines, Federal Way, Kent, Normandy Park, Pacific, SeaTac, Tukwila, at sa mga parte ng hindi nakapaloob na King County. Gagawa ang proyektong ito ng bagong network ng transit na magkokonekta sa mga bus ng Metro sa Link light rail, sa mga bus ng ST Express, at sa mga serbisyo ng Pierce Transit sa King County. Nakikipagtulungan ang Metro sa Sound Transit at sa iba pang mga ahensiya ng transit at lungsod para sa pagsisikap na ito. Isasalugar ang bagong network ng transit kasabay ng pagbubukas sa mga bagong estasyon ng Link light rail.

Mga layunin ng proyekto

  • Pagandahin ang mga opsiyon sa pagbiyahe para sa mga priyoridad na populasyon (gaya ng inilarawan sa mga pinagtibay na patakaran ng Metro).
  • Makipag-ugnayan at ipaalam sa komunidad ang tungkol sa mga pagbabago sa transit.
  • Mag-alok ng mga serbisyong isasama upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad.
  • Dagdagan ang pangkalahatang kaayusan at kakayahang tumagal ng network ng transit.

Maiikling kahulugan

Isang serbisyo sa pirming ruta na maluwag na sumundo at maghatid ng mga pasahero sa mga hiniling na lokasyong partikular sa kanilang lugar. Karaniwang isang maliit na bus.

Ang bilang ng minuto sa pagitan ng mga biyahe sa bus.

Serbisyo ng bus na nakaiskedyul na umandar kada humigit-kumulang 15 minuto o nang mas mabilis pa mula 6am hanggang 7pm tuwing weekday, at kada 30 minuto o nang mas mabilis pa tuwing gabi at weekend.

Isang on-demand na serbisyo ng transit na nagbibigay ng mga biyahe sa loob ng maraming kapitbahayan sa King County. Puwedeng mag-book ng mga biyahe ang mga sumasakay gamit ang smartphone app ng Metro Flex o sa pagtawag sa telepono sa linya para sa pagrereserba.

Serbisyo ng transit na pinaaandar sa mga abalang oras ng biyahe (mula 6 hanggang 9am at mula 3 hanggang 7pm tuwing weekday).

Ang mga miyembro ng komunidad na Black, Indigenous, at may kulay; may mababa o walang kinikita; imigrante o refugee; may kapansanan; o gumagamit ng ibang wika.

Sound Transit

Ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa isang lugar na sabay-sabay na pinagagana upang matulungan ang mga tao sa pagbiyahe. Kasama na rito ang bus, rail, tren, maluluwag na serbisyo, atbp.

Mga priyoridad sa mobilidad ng proyekto

Nangalap ang Metro ng feedback mula sa komunidad gamit ang maraming paraan sa Yugto 1, at nakipagtulungan ito sa Mobility Board (Lupon para sa Mobilidad) upang bigyang-priyoridad ang limang pangunahing priyoridad sa ibaba. Ginamit ng Metro ang mga priyoridad na ito bilang batayan para sa network ng transit sa Yugto 2.

Mas malawak na sakop ng transit

Pinagandang serbisyo sa madaling araw at dis-oras ng gabi

Mas mabibilis na biyahe sa loob at labas ng lugar ng proyekto

Mga pinagandang koneksiyon ng transit sa silangan-kanluran

Pinaraming serbisyo sa weekend, lalo na tuwing Sabado

Patuloy na makikipagtulungan ang Metro sa ating mga kaakibat tungkol sa iba pang tinukoy na mga pangangailangan, kabilang na rito ang:

  • Pagpapanatili sa dalas at pagpapadalas sa pagdating ng bus.
  • Pagsasaayos sa serbisyo sa tanghali tuwing weekday.
  • Pagpapadali sa mga paglipat sa loob ng lugar ng proyektong South Link Connections.
  • Pagdaragdag ng kaligtasan at kaginhawahan sa mga himpilan ng transit at sa mga bus/tren.
  • Paglalaan ng mga biyaheng higit na maaasahan at nasa oras.

Panukalang network sa Yugto 2

Ginamit ng Metro ang mga priyoridad sa itaas, ang pinakamahuhusay na kasanayan sa pagdisenyo ng serbisyo at pagsasaalang-alang sa ekidad o pagiging patas upang magmungkahi ng mga update sa network ng transit sa South King County. Narito ang mga pangunahing punto ng panukala sa Yugto 2:

Mga pangunahing punto ng panukalang Phase 2

  • Mga bagong koneksiyon ng transit: Pagdaragdag ng mga bagong koneksiyon sa mga estasyon ng Link light rail sa hinaharap.
  • Buong araw na serbisyo: Pamumuhunan sa mga ruta ng bus na bumibiyahe buong araw, araw-araw, na may 30% dagdag na biyahe sa madaling araw at dis-oras ng gabi tuwing weekday, at 53% dagdag na biyahe tuwing weekend.
  • Bagong serbisyo sa weekend: Bagong serbisyo tuwing Sabado at Linggo sa Burien at bagong serbisyo tuwing Linggo sa pagitan ng Kent at Federal Way. Sa network sa Yugto 2, magbibigay ng 35% dagdag na biyahe tuwing Sabado at 75% dagdag na biyahe tuwing Linggo kompara sa ngayon.
  • Pinagandang serbisyo sa silangan-kanluran: Pagsasaayos sa mahahalagang ruta sa buong lugar, kabilang na rito ang:
    • Bagong madalas na serbisyong nagkokonekta sa Highline College, Kent Station, at Green River College.
    • Madalas na serbisyo sa pagitan ng Twin Lakes Park & Ride, Federal Way Downtown Station, at Auburn Station.
  • Mga serbisyong on-demand: Paglulunsad ng dalawang bagong pasinayang serbisyong on-demand ng Metro Flex sa Federal Way at Auburn upang mas marami pang tao ang maikonekta sa transit.
  • Mas mabilis na serbisyo: Pag-update sa mga ruta ng bus sa pagitan ng West Federal Way at Downtown Federal Way upang gawing mas mabilis, direkta, at madaling ma-navigate ang koneksiyong ito.
  • Mga pagbabago sa ruta: Pag-aalis sa ilang ruta ng pag-commute sa pagitan ng South King County at Downtown Seattle upang:
    • Maiwasang magkapatong-patong ang mga serbisyo sa Link light rail.
    • Maipamuhunan ang mga resource mula sa mga rutang ito upang maisaayos ang mga pambuong araw na serbisyong kumukonekta sa Link light rail.
Iminungkahing mapa ng lugar ng network ng South Link Connections.

I-tap o piliin ang mapa upang palakihin at galugarin ang mungkahing network, o tingnan ang paghahambing sa kasalukuyang network.

Mga pagbabago sa serbisyo ayon sa uri

Bagong serbisyo

164, 166, 186, Pagpapalawak sa Federal Way Link, pasinaya sa Timog Auburn Metro Flex, pasinaya sa Federal Way Metro Flex

Pinagandang serbisyo

181, 183, 631, 903, A Line

Nirebisang serbisyo

156, 162, 182, 187, 193

Mga inalis na ruta

121*, 122*, 123*, 154*, 157*, 165, 177, 179*, 190*, 197*, 901

* Mga rutang pansamantalang suspendido o hindi kasalukuyang gumagana

Mga pagbabago sa serbisyo ayon sa lugar

Ang proyektong South Link Connections ay hinati sa dalawang bahagi: hilaga at timog. Kasama sa Ang hilagang bahagi ang Burien, Des Moines, Kent, Normandy Park, SeaTac, at Tukwila. Kasama sa Ang timog na bahagi ang Auburn, Algona, Federal Way, at Pacific. Upang malaman pa ang tungkol sa mga panukalang pagbabago sa iyong lugar, i-click ang mga tab sa hilagang bahagi at timog na bahagi sa ibaba.

Proseso at timeline

  • Marso hanggang Abril 2024

    Yugto 1: Pagtatasa ng Mga Pangangailangan

    Sa unang yugtong ito ng pakikipag-ugnayan, nagbahagi ang Metro ng impormasyon tungkol sa saklaw at mithiin ng proyekto. Nangalap kami ng impormasyon tungkol sa mga pangangailangan sa serbisyo sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kasalukuyang datos at ulat mula sa kamakailang pakikipag-ugnayan, direktang feedback mula sa mga survey, harapang pakikipag-ugnayan, pakikipag-usap sa Community-Based Organizations (CBOs, Mga Organisasyon sa Komunidad), at input mula sa aming Partner Review Board (Lupon para sa Pagsusuri ng mga Kaakibat) at Mobility Board. Sinuri namin ang feedback upang humanap ng mga karaniwang tema, at nakipagtulungan kami sa Mobility Board upang matukoy ang mga pangunahing priyoridad. Nakatulong ang mga priyoridad na ito upang maitaguyod ang draft na plano ng serbisyo, na ibabahagi para sa feedback ng publiko sa ikalawang yugto. Pinag-aralan namin ang feedback, humanap kami ng mga karaniwang tema, at nakipagtulungan kami sa Mobility Board upang matukoy ang mga pangunahing priyoridad na pinagbatayan ng draft na konsepto tungkol sa network ng transit para sa feedback ng publiko sa Yugto 2 ng pakikipag-ugnayan.

  • Taglamig 2024 hanggang 2025

    Kasalukuyang Yugto

    Yugto 2: Mga Konsepto ng Serbisyo

    Sa ikalawang yugtong ito ng pakikipag-ugnayan, ibabahagi ng Metro ang mga panukalang pagbabago sa ruta batay sa feedback mula sa Yugto 1. Mangongolekta kami ng feedback tungkol sa mga panukalang pagbabago upang maunawaan nang mas mabuti ang mga priyoridad ng komunidad at kung paano dapat gabayan ng mga ito ang anumang update sa plano. Upang ipaalam sa mga tao kung paano sumali, mangangalap kami ng direktang feedback mula sa mga survey, harapang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa Community-Based Organizations (CBOs). Magsasagawa kami ng mga social media campaign, magsusulat ng mga blog post sa iba't ibang wika, maglalagay ng mga ad sa diverse media, Transit Alerts, RiderAlerts, poster sa mga bus, at magbabahagi ng impormasyon sa maraming wika online at sa print.

  • Tag-init 2025

    Yugto 3: Panukala sa Serbisyo

    Sa huling yugto ng pakikipag-ugnayan, ibabahagi ng Metro ang mga na-update na plano ng serbisyo sa publiko, habang ipinaliliwanag kung paano nakaimpluwensiya sa mga pag-update na ito ang input ng komunidad mula sa Yugto 2. Manghihingi kami ng feedback kung paano mapagaganda ang mga plano bago isapinal ang mga ito. Ibubuod din namin ang mas naunang mga yugto ng proyekto, ipaliliwanag kung paano naimpluwensiyahan ng feedback mula sa komunidad ang pinal na plano, at tatalakayin ang mga susunod na hakbang.

Pakikipag-ugnayan sa komunidad

Sa pamamagitan ng tuwiran at tapat na proseso ng pakikipag-ugnayan sa komunidad na binubuo ng tatlong yugto, inaalis ng Metro ang mga balakid at nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga komunidad ng South King County upang maipahayag ang kanilang mga pangangailangan sa transit at magkaroon ng makabuluhang tungkulin sa pagtataguyod ng mga pagbabago sa ruta ng Metro. Nakikipagtulungan ang Metro sa mga lokal na komunidad, partikular na sa mga priyoridad na populasyong hindi naisasali sa mga pag-uusap na may kinalaman sa pagpapasya noon pa man at di-balanseng naapektuhan ng pagpapasyang ito, gamit ang mga diskarteng makabuluhan, ingklusibo, at nakatuon sa komunidad. Nagkakaisa tayo upang mapahusay, makuhanan ng feedback, magawan ng ebalwasyon, at mapagpasyahan ang pinakamagagandang pagbabago sa ruta para sa mga komunidad ng South King County.

Sa yugto 1, nagtaguyod ang Metro ng isang Mobility Board para sa South Link Connections bilang kinatawan ng lugar ng proyekto na patas na kumakatawan sa mga grupo ng mga taong hindi naisasali sa mga pag-uusap na may kinalaman sa pagpapasya kaugnay ng transit noon pa man at di-balanseng naapektuhan ng pagpapasyang ito. Ang pangunahing tungkulin ng Mobility Board ay makipagtulungan sa mga kawani ng Metro upang makabuo at makapagsaayos ng kinoordinang network ng transit sa South King County.

Sa proseso ng pakikipag-ugnayan, nakikipagpulong ang Metro sa mga panlabas na stakeholder na naglilingkod bilang lupon para sa pagsusuri ng konsepto, na tinatawag na Partner Review Board. Kasama sa Board ang mga kinatawan mula sa mga lokal na hurisdiksiyon at pangunahing institusyon sa lugar ng proyekto, ang mga namumuno sa mga organisasyon sa komunidad, at ang mga kinatawan mula sa mga kaakibat na ahensiya ng transit. Ang pangunahing tungkulin ng Partner Review Board ay magsuri at magkomento sa mga konsepto ng serbisyo na bubuuin ng Mobility Board. Kung ang iyong organisasyon ay nasa loob ng lugar ng serbisyo at interesadong sumali sa Partner Review Board, pakisagutan ang maikling form ng katanungan dito.

Pagsusuri sa Epekto ng Ekidad

Ang proyekto ng South Link Connections ay magsasama ng isang pag-aaral para sa Equity Impact Review (EIR, Pagsusuri sa Epekto ng Ekidad) upang matiyak na mapagaganda ng mga panukalang pagbabago ang mobilidad at access sa transportasyon para sa mga populasyong kulang sa serbisyo noon pa man sa King County. Sa bawat yugto ng proseso ng pagpaplano, susuriin ng Metro ang mga teknikal na datos at resulta mula sa pakikipag-ugnayan sa mga priyoridad na populasyon upang maunawaan ang inaasahang epekto sa mga komunidad na kulang sa serbisyo at pagbutihin ang mga pagpapasya sa pagpaplano.

Ang mga pagsusuri ng EIR, feedback mula sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pinakamahuhusay na kasanayan sa pagdisenyo ng serbisyo ay gagamiting batayan upang mapabuti ang lahat ng panukalang pagbabago sa proyekto ng South Link Connections. Ibabahagi ang pampublikong pakikipag-ugnayan at mga buod ng EIR sa katapusan ng bawat yugto ng pakikipag-ugnayan sa ilalim ng seksiyong Proseso at Timeline sa itaas.

Mapagkukunang aklatan

Mga mapagkukunan ng Yugto 1

Mga mapagkukunan ng Yugto 2

Mga karagdagang mapagkukunan

Makipag-ugnayan sa amin

Makipag-ugnayan sa amin sa iyong gustong wika sa pamamagitan ng pag-email sa: haveasay@kingcounty.gov

Mag-subscribe upang makatanggap ng mga update

Tumanggap ng mga update sa proyekto at anunsiyo tungkol sa mga kaganapan at mga napagtagumpayan. Upang mag-subscribe, ilagay ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa serbisyong ito, makipag-ugnayan sa amin.

expand_less